Cleveland Cavaliers, panalo kontra Boston Celtics sa game 1 ng Eastern Conference Finals

35

NBA – Hindi pinaporma ng Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics sa unang laro ng Eastern Conference Finals sa NBA.

Nanalo ang Cavs sa score na 117-104 kung saan nanguna sa panalo sina Lebron James na may 38-points at Kevin Love na may 32-points at 12-rebounds.

Sa postgame press conference, inamin ni Cavs Coach Tyron Lue na gumawa sila ng game plan para makontrol at mapigilan nila ang star player ng Celtics na si Isaiah Thomas kaya’t nakuha nila ang momentum at nasungkit ang panalo.

Mapapanood naman ang game 2 ng Cavs at Celtics sa Sabado habang sa Linggo ang game-3 ng Western Conference Finals sa pagitan ng Golden State Warriors at San Antonio Spurs.
DZXL558

Facebook Comments