Cleveland Cavaliers super star na si Lebron James, hindi pa rin nakapaglaro sa ikalawang practice session ng koponan

Sports – Hindi pa rin nakasipot sa ikalawang sunod na practice session ng Cleveland Cavaliers ang NBA superstar na si Lebron James.

Dahil pa rin ito sa tinamo niyang pilay sa kaliwang bukong-bukong noong unang practice nila nitong nakalipas na araw.

Inaabangan naman kung kaya na ni Lebron na bumalik sa unang preseason games ng koponan sa susunod na Huwebes kontra sa Atlanta Hawks.


Ang bagong NBA season ay magbubukas na sa October 17 at buwena manong makakalaban ng Cavs ang Boston Celtics.

Facebook Comments