Climate change, bibigyang-atensyon ngayon ng North Korea

Nanawagan ang lider ng North Korea na si Kim Jong-Un sa kaniyang mga opisyal na bigyang-atensyon ngayon ang isyu sa suplay ng pagkain at ang pahamak na dala ng climate change sa kanilang bansa.

Kasunod ito ng paghupit ng mga nagdaang bagyo kung saan naapektuhan ng malala ang pangunahin sa kanilang mga pananim.

Ayon kay Kim, nangangailangan ng agarang aksyon ang nararanasang climate change dahil habang tumatagal ay mas nagiging delikado ito.


Dahil dito, itinutulak ngayon ng lider ang mga proyekto gaya ng river improvement, afforestation para sa pagkontrol ng soil erosion, dyke maintenance at tide embankment.

Facebook Comments