Customer ng Manila Water, hinikayat na gamitin ang kanilang bagong mobile phone application

Hinihikayat ng Manila Water Company Inc. ang kanilang mga customer sa Eastern Metro Manila at Rizal na gamitin ang bagong Manila Water App.

Ang Manila Water App ay isang one-stop-shop mobile phone application na magagamit sa pagbabayad ng kanilang mga water bills at iba pang kinakailangang transaksyon sa kanilang tanggapan sa pinakamabilis na paraan.

Dito rin makikita ang ilang balita at update para hindi na tumawag pa sa kanilang service hotline.


Maaaring i-download ang nasabing app sa pamamagitan ng website ng Manila Water.

Facebook Comments