Climate crisis, isa sa binanggit ni PBBM sa kanyang intervention speech sa 41st ASEAN Summit retreat ngayong araw sa Cambodia

Natalakay ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa kanyang intervention speech sa 41st ASEAN Summit retreat ang epekto ng climate crisis na aniya’y kinakailangan ng global efforts para mabawasan ang masamang epekto nito.

Sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na ang pagtutok sa climate change ay isang collective responsibility at ang mga developed countries aniya ay malaking role para mabawasan ang masamang epekto nito.

Mas vulnerable raw kasi ang mga developing countries sa epekto ng climate change.


Ayon sa pangulo, tinututukan na ngayon ng ASEAN ang mga problema o challenges sa pamamagitan ng pagpapalakas ng cooperation mechanism sa environmental sustainability at holistic green economic strategies.

Dagdag pa ng pangulo na binanggit n’ya rin ang pangangailangan na mapaangat ang climate resilience sa pamamagitan ng bagong agricultural technologies para mas makamit ang food security at food self sufficient ng rehiyon.

Kailangan aniyang baguhin ang paradigm mula sa luma at traditional farming methods patungo sa climate smart agricultural systems para may pang-depensa sa epekto ng climate change.

Iginiit naman ng pangulo na mahalaga pa rin ang pangalagaan ang kalikasan para mas madaling maka-adopt ang Pilipinas sa new normal ng climate change na isa sa pangunahing national agenda ng Marcos administration.

Facebook Comments