Six-time World Bowling Champion na si Rafael “Paeng” Nepomuceno, nasungkit ang gintong medalya sa Men’s Singles 65-and-above category ng 16th Asian Senior Bowling Championships sa Malaysia

Nasungkit ng six-time World Bowling Champion na si Rafael “Paeng” Nepomuceno ang gintong medalya sa Men’s Singles 65-and-above category ng 16th Asian Senior Bowling Championships sa Sunway Megalanes sa Petaling Jaya City, Malaysia.

Pinataob ni Nepomuceno si Akira Nakada ng Japan sa iskor na 1264 pinfalls.

Kaya naman, wagi ng silver medal si Nakada na nakapagtala ng 1238 pinfalls, habang nakuha nina Jin Headong ng Korea at Leung Wai Man Raymond ng Hong Kong ang broze medal matapos makapagtala ng 1223 pinfalls.


Ang iba pang bansang kalahok sa nasabing torneo ay ang Australia, Guam, Saudi Arabia, Singapore, Chinese Taipei at Malaysia.

Kaugnay nito, lubos na nagpapasalamat si Nepomuceno sa Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Bowling Federation, Inc. (PBF) at Philippine Senior Bowlers (PSB) sa ibinigay na suporta sa kaniya.

Pinuri naman ni Philippine Olympic Committee (POC) Chairperson at dating Bowling Association President Steve Hontiveros ang nasungkit na tagumpay ni Nepomuceno.

Samantala, nakatakda naman ang doubles category Nobyembre 11, habang ang Team of 4 ay gaganapin sa Nobyembre 12.

Facebook Comments