Clinical trial ng Avigan, nagka-aberya dahil sa kakulangan ng mga qualified COVID-19 patients

Nagkaroon ng aberya ang isinasagawang clinical trial sa Japanese anti-flu drug na Avigan dahil sa kakulangan ng mga kwalipikadong COVID-19 patients na pawang mga mild cases na.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mayroon nang apat na pasyente na pawang mga mild cases ang nailista na para sa Avigan trial pero kailangan pa na umabot ito sa bilang na 100 para magkaroon ng maayos na resulta.

Aniya, malaking challenge ang pagsasagawa ng clinical trial ng Avigan dahil sa unti-unting bumababa ang kaso partikular ang mga mild cases na mga pasyente.


Dagdag pa ni Vergeire, dahil sa kasalukuyang sitwasyon, nirerebisa na nila ngayon ang ilang protocols sa pagsagawa ng clinical trial para sa Avigan pero dadaan pa ito sa ilang pagre-review kaya’t gagamitin muna nila ang kasalukuyang protocol.

Matatandaan na noong Hulyo pa sana sisimulan ang Avigan trial pero ipinagpaliban ito kung saan nitong buwan ng Nobyembre na lamang ito sinimulan.

Facebook Comments