Clinical trial ng Avigan sa Pilipinas, sinimulan na

Kinumpirma ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Pena na nagsimula na ang clinical trial ng bansa sa Japanese anti-flu drug na Avigan para malaman kung epektibong panlaban ito sa COVID-19.

Ito ay kasabay rin ng clinical trial sa Remdesivir na ginamit bilang treatment sa Ebola na may anti-viral agent na ‘interferon’ na sinusubukan ding panggamot sa COVID.

Una nang nakatanggap ang bansa ng 199,000 Avigan tablets mula sa Japan.


Facebook Comments