Sisimulan na ng Department of Science and Technology (DOST) sa Oktubre 15 ang clinical trials ng anti-parasitic drug na Ivermectin para sa mga asymptomatic at mild COVID patients sa bansa.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, ang pag-aaral sa bisa ng Ivermectin ay tatagal ng walong buwan.
Aniya, mga COVID patient edad 18 pataas mula sa iba’t ibang isolation facility ang sakop ng pag-aaral na pinondohan ng P22 milyon.
Sa kabuuan, 1,464 asymptomatic at mild COVID patients ang susubukan sa Ivermectin clinical trials.
Facebook Comments