Undas Online para sa mga hindi makakabisita sa puntod ng kanilang namayapang mahal sa buhay, bubuksan muli!

50

Bubuksan muli ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang Undas Online para sa mga hindi makakabisita sa puntod ng kanilang namayapang mahal sa buhay.

Ito ay matapos mapagkasunduan muli ng mga alkalde ng Metro Manila na isara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.


Ayon kay CBCP Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs Fr. Jerome Secillano, layon ng Undas online na maghatid ng mga misa para ipanalangin ang mga namayapa na.

Hinikayat din ng CBCP ang publiko na dumalo sa misa sa simbahan at patuloy rin ang online mass para sa mga nais naman na manatili sa kanilang bahay.

Facebook Comments