Clinical trial ng Pfizer COVID-19 vaccines, tatapusin muna bago bigyan ng Certificate of Product Registration sa Pilipinas

Tiwala ang Department of Health (DOH) na hindi magtatagal ay mabibigyan din ng Food and Drug Administration (FDA) ng commercial use approval sa bansa ang COVID-19 vaccine ng Pfizer.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bagama’t may full approval na sa Amerika ang Pfizer ay may iba na nais pa ring ipagpatuloy ang clinical trial dito para masigurong ligtas at dekalidad ang bakuna bago payagang maibenta sa merkado.

Mainam din aniya na maubos muna ang bakunang binili ng gobyerno bago payagang magbenta ang mga drugstore.


Bukod dito, iginiit ng kalihim na sa ngayon ay wala pa namang malinaw na pangangailangan ang bansa para sa fourth dose o second booster shots na kasalukuyan nang ibinibigay ngayon sa ilang mga bansa tulad ng Israel at Chile.

“Palagay ko hindi naman magtatagal e maaaprubahan ng FDA yan dahil meron namang mahaba-habang karanasan sa paggamit ng Pfizer vaccines ‘no… papunta na rin tayo d’yan,” ani Duque.

“Siguro kapag mas malinaw na kung kinakailangan ba ng pangalawang booster shot o kagaya ng ginawang Israel at iba pang mga bansa… pero sa Israel, 9 million lang population niyan e, maliit pa sa Manila yan e, so mahirap naman na ikumpara natin sa malaking bansa katulad ng bansa natin na 111 billion,” giit pa ng kalihim.

Una rito, iminungkahi ni dating National Task Force Against COVID-19 Special Adviser Dr. Tony Leachon na gawin nang available sa mga botika ang Pfizer COVID-19 vaccine para mapabilis ang pagbabakuna sa bansa.

Facebook Comments