Dependents ng mga kawani ng PhilPost, kasama rin sa matuturukan ng booster dose

48

2,500 na mga kawani ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) at dependents ng mga ito ang target na maturukan din ng booster dose kontra COVID-19.

Ayon sa PhilPost, 3,500 na booster shots ang pinagkaloob sa kanila para sa mga kawani ng Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio, Maynila.

Una nang sumalang sa unang batch ng booster shots ang mga kawani at dependents ng PhilPost na aabot sa 1,000.


Ang ikalawang batch naman ng pagbibigay ng booster ay gagawin sa February 3.

Facebook Comments