Clinical trial ng Sinovac vaccine para sa menor de edad, pinayagan na ng DOST

Inirekomenda na ng Department of Science and Technology (DOST) Vaccine Expert Panel (VEP) sa Food and Drug Administration (FDA) ang pagsasagawa ng clinical trial ng Sinovac vaccine para sa mga menor de edad.

Ayon kay DOST VEP Head Dr. Nina Gloriani, inaprubahan na nila ang clinical trial ng Sinovac na iturok sa mga edad na 3 hanggang 17.

Bagama’t lumabas aniya sa pag-aaral sa China na ligtas itong gamitin at maganda ang antibody responses, sinabi ni Gloriani na nais pa rin nila itong masiguro bago payagang iturok sa mga menor de edad.


Sa kasalukuyan, ang Sinovac vaccine ay ibinibigay sa mga edad na 18 hanggang 59 taong gulang sa Pilipinas.

Facebook Comments