Sisimulan na ng Pilipinas ang clinical trial sa Japanese anti-viral flu drug na Avigan sa Lunes, August 10, 2020.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang hakbang ay kasunod ng pagtanggap ng bansa ng nasa 199,000 na piraso ng Avigan tablets mula sa Japan para sa isasagawang clinical trial.
Sa ngayon aniya ay may na-identify na ang DOH na hospital kung saan gagamitin ang nasabing gamot.
Kasabay nito, nilinaw ni Vergeire na wala nang masyadong regulatory process sa paggamit ng Avigan sa bansa dahil aprubado na ito ng Japan Food and Drug Administration bilang gamot sa flu noong 2014.
Ang Avigan ay isang brand name ng gamot na favipiravir at na-develop ng Fujifilm Toyama Chemical.
Facebook Comments