Posibleng magsimula na ang clinical trial para sa mix and match ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña kung saan hinihintay lamang nila na aprubahan ito ng Food and Drug Administration (FDA).
Pag-aaralan dito ang pagiging ligtas at epektibo ng pag-gamit ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine sa una at ikalawang dose ng bakuna.
Sa ngayon, aprubado na aniya ang ito sa DOST-Vaccine Expert Panel, Single Joint Research Ethics Board at site institutional review boards.
Habang ikinokonsidera naman ang pilot implementation nito sa Marikina City, Muntinlupa City, at Davao City.
Facebook Comments