Clinical trial para sa oral COVID-19 medicine, maaaring pondohan ng DOST

Maaaring pondohan ng Department of Science and Technology (DOST) ang dini-develop na oral vaccine/medicine ng grupo ni Fr. Nicanor Astriaco, laban sa COVID-19.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nang tanungin kung maglalaan ba ng pondo si Pangulong Rodrigo Duterte upang suportahan ang pag-aaral dito.

Ayon sa kalihim, siya mismo ay suportado ang nasabing pag-aaral, lalo’t kapwa Pilipino ang involve sa pagde-develop ng oral COVID-19 medicine.


Sa oras naman aniyang mapatunayang epektibo at ligtas ang paggamit ng nasabing gamot na kanilang dini-develop ay magbibigay ng premyo si Pangulong Duterte, lalo’t una na nitong ipinangako ang  insentibo sa sinumang makakaimbento ng gamot kontra COVID-19.

Facebook Comments