Clinical trial sa Ivermectin, sisimulan na sa Setyembre 15

Kasado na sa Setyembre 15 ang clinical trial ng anti-parasitic drug na Ivermectin.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina Guevara, ito ay para i-assess ang efficacy, safety at epekto ng Ivermectin sa asymptomatic at non-severe COVID-19 patients na kasalukuyang naka-confine sa ilang quarantine facilities.

Aniya, kabilang sa mga pasilidad na kasali ay Ateneo quarantine facility, La Salle quarantine facility, University of the Philippines Diliman (UPD) at Makati Science High School quarantine facility.


Aabot rin sa 1,464 asymptomatic at non-severe Pinoy COVID-19 patients na nasa edad 18 pataas ang lalahok sa trial.

Nabatid na tatagal ng 8 buwan ang clinical trial sa Ivermectin.

Samantala, patuloy pang naghahanap ng mga volunteer participants ang DOST sa pagsasagawa ng randomized controlled clinical trial sa extract ng halamang tawa-tawa bilang gamot sa mild at moderate cases ng COVID-19.

Facebook Comments