Hindi magagamit na Moderna vaccines, ibabalik na lamang ng Navotas sa national government

Posibleng isauli na lamang ng Navotas City government ang matitirang Moderna COVID-19 vaccines ng lungsod.

Kasabay nito ang panawagan ni Mayor Toby Tiangco sa lahat ng mga residente at nagtatrabaho sa Navotas na edad 18 pataas na magpabakuna na.

Binanggit rin ni Tiangco na bukas para sa walk in ang bakunang Moderna, kailangan lamang alamin ang vaccinatrion sites kung saan ito ipinamimigay.


Sinabi ng alkalde na noong isang araw ay halos isang libo lamang ang nagpabakuna gayong nasa 3,000 ang vaccination slots.

Kung hindi magagamit hanggang August 31, ay balak isauli ng syudad sa national government ang matitirang bakuna ng Moderna.

Facebook Comments