Clinical trials ng lagundi at tawa-tawa, posibleng matagalan pa ayon sa DOST

Posibleng matagalan pa bago makumpleto ang clinical trials para sa herbal medicines na lagundi at tawa-tawa na posibleng bakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Department of Science and Technology -Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), kailangan pang dumaan sa dalawang yugto ng pag-aaral ang mga ito, kung saan una ang pagdetermina ng kinakailangang doses at ikalawa ang pagsusuri kung gaano ito kaepektibo.

Sa ngayon, natapos na sa phase 1 ang clinical trial ng lagundi at nasa phase 2 na ito na magtatagal pa ng dalawa hanggang tatlong buwan.


Samantala, nadagdagan pa ang mga kumpanyang nais gumawa ng kasunduan sa gobyerno ng Pilipinas at sa mga pribadong sektor sa bansa, para makakuha ng suplay ng posibleng bakuna kontra COVID-19 ng kumpanyang AstraZeneca.

Ayon kay Joey Concepcion, Presidential Adviser on Entrepreneurship at Founder ng Go Negosyo, umabot na sa 3.6 milyong doses ng AstraZeneca ang nakatakdang dumating sa Pilipinas sa Mayo o Hunyo sa 2021.

Kalahati nito ay mapupunta sa government healthworkers habang ang kalahati ay sa frontliners ng mga pribadong kumpanya.

Nakatakda naman ngayong araw (Novermber 30) ang cut-off sa mga kumpanyang nais lumahok sa programa, pero pagtitiyak ni Concepcion magkakaroon pa ito ng part 2 dahil sa dami ng gustong sumali.

Facebook Comments