Clinical trials para sa lagundi at tawa-tawa, aabutin pa ng ilang buwan bago matapos – DOST

Ilang buwan pa ang kailangang gugulin bago matapos ang clinical trials para sa herbal medicines na Lagundi at tawa-tawa.

Ayon kay Department of Science and Technology Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) Executive Director Dr. Jaime Montoya, ang dalawang herbal medicines ay kailangan pang dumaan sa dalawang study phases.

Ang una ay para malaman ang kinakailangang dose at ang ikalawa ay ang bisa nito.


Ang Phase 2 ng Lagundi ay magtatagal ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Sinimulan naman ang Phase 1 ng tawa-Tawa at nakatakdang gawin ang Phase 2 sa susunod na dalawang linggo.

Ang tagal ng trial ay nakadepende sa kung gaano kabilis ang pag-recruit ng participants.

Facebook Comments