Inaprubahan na ng ethics board ng University of the Philippines (UP) Manila ang pagsali ng ilang COVID-19 patient sa clinical trials para sa Virgin Coconut Oil (VCO) sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, nasa 14 na araw ang pagbibigay ng VCO sa PGH para malaman ang bisa nito sa mga pasyente.
Aniya, nasa 100 pasyente ang planong isama sa clinical trials para sa VCO.
Nakikipag-ugnayan din sila sa apat pang institusyon para sa collaboration sa clinical trials, kung saan dalawa ay mula sa China at dalawa ay mula sa Taiwan.
Dagdag pa ni Dela Peña, sinimulan na rin ng DOST ang pag-aaral kaugnay sa Virology, hindi lamang ang virus na nagdudulot ng COVID-19 kundi maging ang iba pang virus.
Bago ito, sinabi ng DOST na sinisilip nila ang VCO bilang food supplement sa mga COVID-19 patient.