Clinical trials sa lagundi bilang COVID therapeutic, tuloy pa rin

Patuloy pa rin ang clinical trials sa bansa ng lagundi bilang COVID-19 therapeutic o supplemental treatment.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato de la Peña, nasa Stage 2 na ang clinical trial ng lagundi at dinaraan na sa screening ang mga lumahok

Aniya, nasa 75 participant na ang naka-enroll sa trial mula sa limang study sites o quarantine facilities.


Para sa Stage 2 study, target ang 200 na qualified volunteers.

Una nang inaprubahan noong Agosto 2020 ng Food and Drug Administration (FDA) ang clinical trials para sa lagundi bilang supplemental treatment laban sa COVID-19.

Facebook Comments