Sisimulan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang clinical trials sa paghahalo ng magkakaibang brand ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DOST Usec. Rowena Guevarra, una itong isasagawa sa mga lungsod ng Marikina, Muntinlupa at Davao.
Una nang nakapag-dry run ng clinical trials sa Marikina noong October 18 habang ang dry-run sa Muntinlupa at Davao ay magsisimula ngayong araw hanggang sa ika-29 ng Oktubre.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DOST sa Department of Health (DOH) para magbigay ng mga bakuna sa clinical trial at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.
Sa ngayon, pagtitiyak ni Gueverra na matatapos ang pag-aaral sa paghahalo ng magkakaibang brand ng bakuna bago pag-usapan kung magtuturok ng booster shots sa unang bahagi ng susunod na taon.