CLOSED! | Pagtanggap ng aplikasyon para sa Chief Justice post, tuluyan nang isinara ng JBC

Manila, Philippines – Pormal nang nagtapos ngayong araw ang pagtanggap ng Judicial and Bar Council ng aplikasyon para sa pagka-punong mahistrado

Alas kwatro y medya ngayong hapon nang isara ng JBC ang pagtanggap ng aplikasyon sa Chief Justice post.

Bunga nito, ang limang most Senior Justices lamang ng Korte Suprema ang pawang nag-apply para maging kapalit ni retired Chief Justice Teresita de Castro.


Kinabibilangan ito nina Associate Justices Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas Bernabe at Andres Reyes Jr.

Facebook Comments