Cloud Phone members sumuko sa 33rd IB

Muling nagbalik loob sa pamahalaan ang walong mga myebro ng Cloud Phone Platoon ng NPA sa bayan ng Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Sa panayam kay 33rd makabayan Battalion Commanding Officer Col. Harold Cabunoc , sumuko ang mga ito bunsod na rin sa hirap na dinaranas sa bundok at sa kagustuhang makapagbagong buhay.

Kasama sa ibinalik ng mga ito ang kanilang armas na kinabibilangan ng 2 M16, mga improvised explosive device at mga bala.


Sa ngayon, umabot na sa 60 na myembro ng NPA ang sumuko sa ilalim ng AOR ng 33rd IB mula noong buwan ng mayo dagdag ni Col. Cabunoc.

Nagpapasalamat naman ito sa tulong na ipinagkaloob ng mga local officials at Provincial Government para muling magakapagsimula ng kani kanilang bagong buhay ang mga nagbalik loob.

33rd IB PICS

Facebook Comments