Napag-usapan sa pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang pagsasagawa ng cloud seeding operations upang maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon partikular sa sektor ng agrikultura.
Ito ay makaraang i-ulat ng Department of Agriculture (DA) sa ikalawang pagpupulong kahapon ng NDRRMC kaugnay ng El Niño, na umabot na sa 464.3m ang production loss at P22.918-milyong ang volume loss sa agrikultura na naitala nitong Marso 8 dahil sa tag-tuyot.
Sa ulat ng Department of Agriculture, 13,679 ektarya ng pananim at 13,679 magsasaka sa Regions: 9, 10, 11, 12, Mimaropa at BARMM ang apektado ng kakulangan sa tubig.
Dahil dito ipinalabas na ng DA ang kabuuang 18.3 milyong piso sa kanilang mga regional offices para sa cloud seeding operations sa tulong ng Philippine Air Force (PAF).
Matapos ang isinagawang joint area assessment, inirekomendang isagawa ang cloud seeding operations Regions 2 at 12 mula ngayong araw, March 14 hanggang May 21 2019.