Magsasagawa ng cloud seeding activities ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para pataasin ang lebel ng tubig sa Angat Dam simula sa Marso.
Ayon kay MWSS Division Manager Engr. Patrick Dizon, sinabi ng PAGASA na maulap ngayon sa watershed ng Angat Dam na tamang-tama sa pagsasagawa ng cloud seeding.
Kahapon, bagama’t bahagyang tumaas sa 195.78 meters ang antas ng tubig sa dam ay malayo pa rin ito sa dapat na water level nito na 212 meters.
Kapag bumaba pa ang lebel ng tubig sa Angat ay maaapektuhan nito ang irigasyon sa mga lupang sakahan sa Bulacan at Pampanga.
Samantala, ayon sa PAGASA, posibleng bumagsak pa sa critical level na 160 meters ang antas ng tubig sa Angat Dam sa Hunyo tulad ng naranasang water crisis noong 2010.
Facebook Comments