Nasungkit ng Cluster IV ang kampeonato sa Gilon Gilon ed Baley 2019 kahapon kasabay ng grand opening ng Bangus Festival 2019 sa Dagupan City.
Nag-uwi ng 200, 000 pesos ang Cluster 4 na pinamumunuan ng barangay Caranglaan kasama ang Bacayao Norte , Bacayao Sur, Mayombo at Herrero-Perez. Nakuha din nila ang Best in Street Dancing na mayroong 30, 000 pesos. Ngayong taon anim na cluster ang naglaban laban sa patimpalak at ipinakita ang kagalingan ng Dagupeno sa larangan ng street dancing.
Ang 1st runner up at Best in Costume ay anG Cluster 6 kabilang dito ang Bonuan Boquig, Binloc, at Bonuan Gueset na nag-uwi ng 130, 000 pesos. 2nd runner up ang Cluster 2 na pinamumunuan ng barangay II at III kasama ang Tapuac, Poblacion Oeste, Brgy. I at IV na nasungkit din ang Best in Musicality ngayong taon at nag-uwi ng 110,000 pesos. Ang Cluster 1 ang 3rd runner up na pinamumunuan ng Mangin kasama ang Salisay, Bolosan, Tebeng, Mamalingling at Tambac na at ang 4th runner up ay ang Cluster 3 na kabilang ang Calmay, Lomboy, Carael, Pantal, Salapingao at Pugaro
nag-uwi ng 80,000. Ang 5th runner up ay ang Cluster 5 na mayroon ding 80, 000 kasama ang Malued, Pogo Chico, Pogo Grande, at Lucao.
Samantala kasama sa selebrasyon ng kapiyestahan magaganap ang Bangus Festival Mega Job Fair ngayong araw sa CSI Lucao Atrium.
###
Contributed By:
Joshua Sulla
Erwin Cayabyab
Benedict Cayabyab [image: 56835698_2172399969518530_3949720945526046720_n.jpg]
Cluster 4 wagi sa Gilon-Gilon Ed Baley 2019
Facebook Comments