Nangunguna ang mga komunidad, transportasyon at business process outsourcing (BPO) companies sa clustering ng COVID-19 cases.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bansa ay mayroong 1,742 instances ng clustering of cases kung saan 84.9% o 1,480 ay matatagpuan sa mga komunidad.
Ang pangalawang pinakamataas ng clustering ng kaso na 8.09% o 140 ay sa transportation sector at siyam na BPO companies.
Habang ang 5.11% o 89 clustering cases ay sa mga ospital at health care facilities at 1.84% o 32 clusters ang nakita sa mga kulungan at prison facilities.
Nilinaw naman ni Vergeire na hindi ibig sabihin nito na ang mga nagtatrabaho sa BPO industry ay mas vulnerable na tamaan ng COVID-19.
Facebook Comments