CNG | Isang Grupo, Inilunsad para labanan ang destabilization ng tinatawag na enemies of the state

Manila, Philippines – Pormal nang inilunsad ang Citizen National Guard bilang isang bagong grupo na nangakong labanan ang alinmang banta ng destabilization ng tinatawag na enemies of the state.

Ayon kay CNG founder Antonio Valdes, sa First Congress ng NCG nabuo ang panawagan na ipagtanggol ang gobyerno laban sa mga grupo na nagtatago sa mukha ng tumutunggaling boses pero, ang Layunin ay magsabwatan para itulak ang regime change.

Tinukoy ni Valdez ang NPA, mga drug syndicate at opposition group.


Marami aniya sa kanilang miyembro ay mga dating mga opisyal ng AFP, mga ordinaryong mamamayan na nagmamalasakit sa kalagayan ng bayan

Aniya, hindi maikakaila ang sabwatang namumuo dahil naririnig ito sa Media.

Ito ay template na ng operasyon para sa tinatawag na regime change.
Nilinaw naman ni Valdes na ang CNG ay hindi government-sponsored organization kundi isang grupo na naniniwala sa programa ni Duterte.

Facebook Comments