Co-accused ni CGMA sa iligal na paggamit ng PCSO Intel funds, abswelto na

Manila, Philippines –  Pinawalang sala na ng Sandiganbayan angco-accused ni dating Pangulong Gloria Arroyo na si dating PCSO Board memberMaria Fatima Valdes kaugnay sa plunder case ng iligal na paggamit ng 366million confidential at intelligence fund ng PCSO.

 

 
Sa 44 pahinang resolusyon ng Sandiganbayan 1stDivision napirmado nila Associate Justices Efren dela Cruz, Geraldine Faith Econg atBernelito Fernandez, pinagbigyan ang mosyon ni Valdes na demurrer to evidencena siyang nagpabasura sa kaso bunsod ng kawalan ng matibay na ebidensya ngprosekusyon na mag-uugnay sa kanya sa iligal na paggamit ng PCSO fund.

 

 
Pinagbasehan ng Sandiganbayan ang kaso ng iba ringco-accused ni Arroyo sa PCSO intel fund scam na sina dating board membersManuel Morato, Raymundo Roquero at Jose Taruc na napawalang-sala din ngSandiganbayan dahil sa kakulangan ng ebidensyang magdidiin sa mga ito nanagkaroon nga ng sabwatan sa iligal na paggamit ng pondo.


 

 
Unang iginiit ni Valdes sa kanyang mosyon na ikunsideradin siya matapos na maabswelto ang ilang kasamahan sa kaso.

 

 
Inalis na rin ng korte ang hold departure order laban kayValdes at ang pag-release ng P250,000 bail bond nito.

 

 
Mababatid na inabswelto rin noong nakaraang taon ng KorteSuprema si CGMA matapos na hindi mapatunayan ng prosekusyon ang sabwatan ngdating Pangulo kina dating PCSO Chairman Sergio Valencia at dating ViceChairman at Gen Manager Rosario Uriarte sa iligal na paggamit ng PCSOintelligence fund.

Facebook Comments