Pitaka ng pinatay na sundalo sa Agusan Del Norte, isinuli ng NPA sa pamamagitan ng RMN

155

Manila, Philippines – Isinuli ng New People’s Army (NPA) ang pitaka sa
napatay na si PFC Rolly Retis, miyembro ng 29th IB, Phil. Army.

Inabot ng isang hindi nagpakilalang ginang noong Sabado, Abril 1, sa RMN
DXBC Butuan ang isang balot at daling umalis pagkatapos isang text
message ang natanggap ng himpilan na ang sabi pitaka ni PFC Retis ang laman
sa nakabalot na plastic cellophane.

Formal namang na-i-turn-over ng RMN Butuan ang pitaka na nakabalot pa ng
cellophane kay Lt. Col. Manuel Valdez, 4th CMO Battalion Commander ng
Philippine Army.

Naging saksi sa turn-over si Father Josh Cadorna at isang miembro ng 29th
IB. Philippine Army.

Ayon kay Ka Oto, tagapagsalita ng FC16A ng NPA laman ng pitaka ay pera at
mga ID’s.

Matandaan na si PFC Rolly Retis ay binaril at napatay ng sparrow unit ng
NPA noong nakaraang araw sa Jabonga, Agusan del Norte.

Facebook Comments