Manila, Philippines – Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang National Printing Office (NPO) sa paggastos ng ₱121.691 million para sa paggamit ng private printers kahit walang valid contract.
Base sa 2018 audit report ng COA, nag-hire ang NPO ng ilang private printers para mapabilis ang pag-iimprenta ng accountable at specialized forms na gagamitin sa mga tanggapan ng gobyerno.
Lumalabas na ang lease agreements ng NPO sa private printers ay napaso na noong September 30, 2017.
Binayaran pa ng NPO ang private printers ng nasa ₱120.9 million bilang rental fee para sa kanilang printing machines, kahit ang paggamit ng mga ito ay dapat kasama na sa kanilang serbisyo.
Giit ng COA, paglabag ito sa Government Procurement Policy Board Resolution no. 05-2010.
Inirerekomenda ng COA sa NPO na pumasok sa isang valid equipment lease agreement sa pamamagitan ng competitive bidding.