COA, magsasagawa ng briefing sa Kamara kaugnay sa budget deficiency ng DOH

Magsasagawa ng briefing ngayong linggo ang Commission on Audit (COA) sa Kamara kaugnay sa “deficiencies” na natuklasan sa Department of Health (DOH) na aabot ng P67.3 billion noong 2020.

Mismong si House Speaker Lord Allan Velasco ang humiling ng briefing sa COA na pangungunahan ni Committee on a Public Accounts Chairman Jose “Bonito” Singson Jr.

Nais ni Velasco na mabigyang linaw ang isyu sa isasagawang congressional briefing lalo pa’t nakukwestyon ngayon ang paghawak ng DOH sa pondo para sa COVID-19 response.


Direktang kukunin ng Kamara sa COA ang mga impormasyon dahil ang pondong pinag-uusapan dito ay kabilang sa mga alokasyon sa ilalim ng Bayanihan Law na inaprubahan ng Kongreso.

Layunin din ng briefing na ito na makita ng Kamara na ang bilyong pisong inilaan ng Kongreso ay naigugol sa pagtugon sa pandemya at makalikha rin ng lehislasyon.

Inaasahang haharap sa briefing si Health Secretary Francisco Duque III.

Facebook Comments