Negosyante, Arestado sa Kasong Estafa

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang negosyante na wanted sa batas matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa barangay Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Nagsanib pwersa ang kapulisan ng PNP Cauayan kamakailan upang isilbi ang mandamyento de aresto para sa kasong Estafa na inisyu ng RTC, Cauayan City, Isabela laban kay Rachelle Ann Rosete, 37 years old, walang asawa, at residente ng De Silva Town house sa Barangay.

Dinala ang akusado sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at anumang araw ay ipapasakamay na sa court of origin.


Pansamantalang makakalaya si Rosete kung makakapagpiyansa ng halagang P40,000 batay na rin ito sa inirekomenda ng korte.

Facebook Comments