COA, pinagpapaliwanag ang DICT sa pagbili ng higit P170-M halaga ng gadgets sa isang construction company

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Department of Information and Communication Technology (DICT) hinggil sa kwestiyonableng pagbili nito ng mahigit P170-milyong halaga ng gadgets na ipinamigay sa mga paaralan sa gitna ng pandemya.

Sa 2020 audit report, sinabi ng COA na binili ang mga gadgets gaya ng laptops, pocket Wi-Fi at tablets sa Lex-Mar General Merchandise and Contractor na wala namang sapat na financial capacity para pondohan ang proyekto.

Bukod dito, wala namang kinalaman sa pagsusuplay at pagde-deliver ng gadgets at devices ang Lex-Mar dahil isa itong construction firm.


Kabilang din sa mga ahensya ng gobyerno na sinita ng COA dahil sa hindi paggasta o maling paggasta ng pondo ay ang Overseas Workers Welfare Association (OWWA), Department of Labor and Local Employment (DOLE), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Land Transporation and Regulatory Board (LTFRB).

Facebook Comments