Manila, Philippines – Pinuna ng Commission on Audit o COA ang Office of the Vice President (OVP) dahil sa umano’y sa hindi maayos na pagpili ng locally funded projects.
Batay sa report ng COA, 19 na Local Government Units (LGUs) ang nabigong makapagsumite ng official receipt at liquidation report sa natanggap na mahigit 28 milyong piso na anti-poverty funding sa ilalim ng ‘Angat Buhay Program’ ng OVP.
Giit ng COA, ang kawalan ng official receipt ay nagbibigay ng duda sa authenticity ng fund transfer gayundin sa hindi sapat na monitoring sa mga tinutulungang proyekto ng OVP.
Samantala, ipinaliwanag naman ng OVP na bumuo na sila ng project management unit na mag-mo-monitor sa kalagayan ng mga proyekto gayundin sa pagsusumite ng official receipts at liquidation reports.
Bukod rito, tiniyak ng OVP na nakikipag-ugnayan na sila sa mga LGU.