COA, sinilip ang unliquidated cash advance ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno kasama sa foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Commission on Audit ang Presidential Communications Operations Office dahil sa mga unliquidated cash advance ng mga opisyal at empleyado nito na kasama sa foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama na rito si Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Sabi ng COA, mahigit 630,000 pesos ang unliquidated cash advance ni Abella sa state visit ni Pangulong Duterte sa Brunei; 622,000 pesos naman para sa ASEAN Summit sa laos at mahigit 673,000 naman para sa state visit sa Indonesia.


Matatandaang si Abella ang tumayong special disbursement officer sa mga nabanggit na biyahe.

Ayon pa sa COA, lahat ng cash advance ay dapat na ma-liquidate sa loob ng 60 araw pagkabalik sa bansa.

Facebook Comments