COA, sinita ang LTFRB dahil sa bigong paggasta sa 99% ng pondo nito para sa mga PUV driver na apektado ng pandemya

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos na 1% o P59 million lamang ng P5.58 billion na pondo para sa benefit program sa mga driver na apektado ng COVID-19 pandemic ang kanilang nagamit.

Ayon sa COA, resulta ito ng delay na implementasyon sa Service Contracting Program ng LTFRB.

Dahil dito, mahigit 29,800 na mga drivers lamang o 49.79% ng target na 60,000 na benepisyaryo ang nairehistro sa programa hanggang noong katapusan ng taon.


Sa Laging Handa briefing kahapon, sinabi ni LTFRB chairperson Martin Delgra III na nakapaglabas na sila ng 26.55% ng kabuuang budget para sa programa hanggang noong June 30, 2021, kung saan kasabay na napaso ang Bayanihan 2.

Aniya, ibabalik ng ahensya ang bahagi ng pondong hindi nagamit at hihiling na lamang ito ng pondo kung muling kailanganin.

Facebook Comments