COA Sport Fest, Aarangkada na sa Ilagan City Sports Complex

74

*Cauayan City, Isabela*- Idaraos ang ika-10 Luzon Inter-Regional COA Sport Fest sa Lungsod ng Ilagan sa darating na marso 2-6,2020.


Ayon kay Ginoong Ricky Laggui, Focal Person ng Sporting event, pitong rehiyon ang inaasahang makikiisa sa nasabing aktibidad kabilang ang Regions I, II, III, IV-A, IV-B , V at CAR.

Suportado naman ni City Mayor Jay Diaz ang pagsasagawa ng aktibidad, aniya ito ay upang maramdaman ang pagiging hospitable ng mga Ilagueños katulad ng pagdaraos ng SEA Youth Games noon.

Tinatayang nasa 1,750 ang mga atletang lalahok sa iba’t ibang laro gaya ng basketball, volleyball, badminton, lawn tennis, billiards, chess, dart at iba pang laro.

Ang nasabing laro ay isasagawa sa Ilagan City Sports Complex.

Inaasahan din ang makulay na fireworks display sa pagbubukas at pagtatapos ng nasabing aktibidad.

Facebook Comments