Coach Chot Reyes, kuntento sa bagong naturalized player na isasama sa FIBA Asia Championship Cup

Manila, Philippines – Kuntento si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa naging performance ng bagong miyembro na si Isaiah Austin sa una nitong practice kasama ang koponan.

Ayon kay Reyes, kayang makipagsabayan ni Austin sa kahit sino sa mga Gilas players kung saan nagustuhan din daw niya ang pag-shoot nito ng bola sa isinagawa nilang shooting drills.

Umaasa si Reyes na makakasama nila ang 7’1 ft. na si Austin sa iba pang kumpetisyon na kanilang sasalihan.


Nitong September 12 lamang dumating ang 23-anyos na naging kandidato noong 2014 NBA draft.

Kasalukuyang naghahanda ang Gilas Pilipinas para sa pagsali nito sa FIBA Asia Champions Cup na gaganapin sa September 22 sa Shenzhen, China.

Facebook Comments