MRT-3, tumirik nanaman!

Manila, Philippines – Muli na naman nagka-aberya ang Metro Rail Transit line-3 kanina alas-10:12 ng umaga sa southbound ng Guadalupe Station.

Pinababa at naglakad sa gilid ng riles ang mga pashero matapos magkaroon na naman ng technical problem ang tren.

Alas-11:22 naman ng magkaroon din ng technical problem ang tren sa southbound ng kamuning station.


Matatandaan na kahapon, limang beses din nagka-aberya ang MRT-3 kung saan dalawang pasahero ang sugatan sa insidente.

Dahil din sa aberya, muli na naman naperwisyo ang mga pasahero dahil naapektuhan din ang north at southbound ng mga riles.

Facebook Comments