Coach Guiao, ikinatuwa ang progresibong ipinapakita ng mga players ng nat’l team

Ikinatuwa ni coach Yeng Guiao ang progresibong ipinapakita ng bawat players ng national squad.

Nasisiyahan din si Guiao kay naturalized player Andray Blatche dahil agad nitong naiintindihan at nakakahabol sa sistema na kaniyang inilatag para sa pagsabak nila sa huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Pero, ikinababahala ni coach Yeng ang hindi nila pagkakaroon ng mga tune-up games sa ibang team.


Makakalaro sana nila ang team ng Alab Pilipinas kahapon subalit hindi ito natuloy.

Nabatid kasi na kulang na sila sa panahon lalo na at babalik ng China si Blatche sa February 11 at sa February 16 na ulit nila ito makakasama kung saan sa February 21 ay unang nilang makakalaban ang national team ng Qatar.

Facebook Comments