Coach Guiao, kumpiyansang sapat ang panahon ng Gilas para paghandaan ang FIBA World Cup

Kumpiyansa si Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na sapat ang panahon ng national team upang maghanda para sa 2019 FIBA World Cup.

Sinabi ni Coach Guiao na interesado rin na isabak ang Gilas sa International Tournament na 2019 Jones Cup na gaganapin sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 at ito ang magsisilbing warm-up grounds nila.

Umaasa naman ang beteranong coach na makakasama sa line-up sila Fil-Am guard Jordan Clarkson at naturalized center Andray Blatche.


Samantala, ipinapaubaya na ni coach Guiao sa Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP kung kukunin pa siya bilang mentor ng national squad.

Facebook Comments