Ai-Ai Delas Alas, pumalag sa isang comment ng netizen

39

Pumalag si Kapuso Actress Ai-Ai Delas Alas sa isang komento ng isang netizen tungkol sa pagbalik niya sa Kapamilya network.

Ayon sa komento ng netizen, tila nawawala na daw ang kasikatan ng 54-anyos na aktres sa network na kinabibilangan nito.

Sumagot naman si Ai-Ai at sinabing “sa kabilang network daw siguro nanonood ang netizen at nakalimutan daw ata nito na nasa kabila na siya.

Ipinagtanggol naman si Ai-Ai ng isa niyang tagasuporta saka sinabing makikita at mapapanood ang comedy queen sa Sunday noontime show nito.

Samantala, isang netizen ang nag-comment na huwag na siyang bumalik sa Kapamilya Network kung saan tanging thumbs up at heart emojis ang tugon ng aktres.

Facebook Comments