Coach Tim Cone, ikinatuwa ang naging performance ni Japeth Aguilar sa naging laban ng Ginebra kontra TNT-Katropa

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Barangay Ginebra headcoach Tim Cone ang naging performance ni Japeth Aguilar sa naging laban nila kagabi sa TNT Ka-Tropa sa nagpapatuloy na PBA Commissioners Cup.

Ayon kay Cone, ang matinding hassle sa depensa ni Japeth sa second half ang siyang naging susi sa panalo ng Gin Kings kung saan nakakuha ito ng 16-points, 14-rebounds at 5-blockshots.

Sa nasabing laban, tinambakan ng Gin Kings ang TNT sa score na 107-89 at dahil sa nasabing panalo, mayroong na silang apat na panalo at isang talo.


Sunod naman makakalaban ng Ginebra ang Alaska Aces sa May 7 sa Araneta Coliseum matapos ang PBA all-star weekend.
DZXL558

Facebook Comments