Beteranang aktres na si Gloria Romero, ikinatuwa ang bagong proyekto nito sa Kapuso network

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng beteranang aktres na si Gloria Romero ang pagbibigay sa kaniya ng panibagong programa sa Kapuso Network.

Sa edad na 83 years old at more than 60 years na pagtatrabaho sa showbiz, maituturing na isa sa haligi ng entertainment industry si Gloria kung saan hindi niya akalain na magkakaroon pa siya ng ganitong project.

Masaya din si Gloria kung paano i-handle ng network ang kaniyang career maging ang mga co-stars nito sa teleserye tuwing gabi ay hinahangaan siya sa dedikasyon nito sa trabaho.


Mapapanood naman ang fantasy series ng aktres sa tuwing Linggo na magsisimula naman sa April 30.
DZXL558

Facebook Comments