Coach Tim Cone nag-sorry kay Brownlee matapos hindi makapagpahinga sa laban kontra San Miguel

264

Inamin ni Ginebra Coach Tim Cone na humingi ito ng paumanhin kay Ginebra import Justin Brownlee matapos hindi mabigyan ng substitution sa kanilang laban noong Linggo, Hunyo 16.

Nababad si Brownlee sa court ng 53 minuto na gumawa ng 9 points, 15 rebounds at five assists para i-abante ang kanilang koponan sa overtime laban sa San Miguel.


Ayon kay Cone, bago pa ang overtime ay sinabihan na niya si Brownlee na hindi na ito makapagpapahinga sa laro.

Aniya, ngumiti lang si Brownlee at naging na masaya sa pagkapanalo ng kaniyang koponan kontra Beermen sa score na 110-107.

Facebook Comments

From Advertisers