Miss Universe 2018 Catriona Gray, umaasang sasabak muli sa Binibining Pilipinas si Vickie Rushton

Umaasa si Miss Universe Catriona Gray sa comeback ni Binibining Pilipinas 2018 1st Runner Up Vickie Rushton.

Sinabi ni Catriona na patuloy niya pa ring susuportahan si Vickie sa mga magiging laban nito sakaling magkaroon ito ng comeback.

Matatandaang kumandidata si Vickie at naging isa pa sa mga “crowd favorites” noong Binibining Pilipinas 2019.


Ngunit hindi pinalad ang Beauty Queen na mapasama sa mga nagwagi matapos hindi makumpleto ang sagot sa Q and A, dahil na-distract raw si Vickie sa isa sa mga audience.

Umaasa rin si Catriona na hindi magiging hadlang kay Vickie ang pagkatalo nito upang huwag sumuko at magpatuloy pa sa pagsali sa mga beauty contest.

Facebook Comments