Coach Yeng Guiao, dumipensa sa pagkuha kay Cyrus Baguio bilang bagong player ng NLEX Road Warriors

Sports – Idinepensa ngayon ni Coach Yeng Guiao ang ginawa nilang pagkuha kay Cyrus Baguio bilang bagong player ng NLEX Road Warriors.

Nakuha nila si Baguio sa three-team trade deal sa pagitan ng Phoenix at Golbaport na pinayagan naman ni Commissioner Chito Narvasa.

Ibinigay ng NLEX si Marc Baracael sa Globalport kapalit ni Dylan Ababou kung saan ipinamigay agad nila ito sa Phoenix kasama ang 2nd round draft pick sa 2020 para mapunta sa kanila si Baguio.


Marami ang nagsasabi na balak ata ni Guiao na ibalik ang mga player na nakasama nito sa dating koponana na Red Bull pero ayon sa nasabing coach, kinuha niya si Baguio dahil alam niyang malakai ang maibibgay nitong tulong sa NLEX na kasalukuyang may 5-1 win/loss record sa PBA Governors Cup.

Facebook Comments